JVBAUTISTA
ABOGADO NG MASA
PARA SENADOR
- Trial Lawyer
- Member, House of Representatives,12th Congress, SANLAKAS Party-list (2001-2004)
- Board of Trustees, Freedom from Debt Coalition (2008- Present)
- Commissioner, Integrated Bar of the Philippines,Commission on Bar Discipline (1999-2002)
- President, Integrated Bar of the Philippines Nueva Ecija Chapter (1997-1999)
- Professor, Araullo University College of Law Cabanatuan City (1997-2003)
- Lecturer, Mandatory Continuing Legal Education MCLE) Legaladvantage, Makati City
- 1988-1989--Parvin Fellow, Woodrow Wilson School of Public and International Affairs, Princeton University, Princeton, New Jersey, U.S.A.
- 1979-1983--Bachelor of Laws (LIB.) College of Law, University of the Philippines
- 1975-1979--Bachelor of Arts (A.B.Journalism) Institute of Mass Communications, University of the Philippines
- 1971-1975--High School, Ateneo de Manila Related Educational Experience:
- 1988-1989--Normative International Relations Seminar Center for International Studies, Princeton University, New Jersey, U.S.A.
- June 1988--Annual Human Rights Research and Teaching Seminar Center for Study of Human Rights, Columbia University, New York, U.S.A.
- 1979--Member, Pi Gamma Mu International Honor Society Alpha Chapter (U.P.)
- 2007--Board of Directors, Banco Rural de General Tinio, General Tinio, Nueva Ecija
- 2009--Legal Counsel Wesleyan University- Philippines (WU-P), Cabanatuan City
- 2009--Legal Counsel, Nueva Ecija Doctor’s Hospital, Cabanatuan City
- 1997-2001--Chairman, People’s Law Enforcement Board (PLEB) Guimba, Nueva Ecija
- 1997-2001--Legal Consultant, Office of the Governor, Provincial Government of Nueva Ecija
- 1997-1998--Member, Nueva Ecija Provincial Peace and Order Council, Cabanatuan City
- 1990-1995--Executive Assistant and Regional Liaison Officer, Office of Senator Wigberto E. Tanada, Senate.
- 1992-1996--Chief Legal Counsel and Board of Trustees, Task Force Detainees of the Philippines, Inc. (TFDP)
- 1995-2000--Legal Counsel and Board of Directors, Lila Filipina (Task Force Filipino Comfort Women)
- 1992--Member, Free Legal Assistance Group (FLAG)
- 1995--Legal Consultant, National Democratic Front (NDF) Peace Panel, Brussels, Belgium
- 1985-1987--Executive Director, BAYAN Legal Aid Center, Quezon City, Metro Manila
- 1987-1990--Legal Assistant and Researcher Philippine Center for Immigrant Rights (PHILCIR), New York, New York, U.S.A.
- 1981-1982--National President, College EditorsGuild of the Philippines (CEGP)
- 1982-1983--Secretary-General, League of Filipino Students (LFS)
- 1979-1981--Managing Editor, Philippine Collegian, University of the Philippines, Diliman, Quezon City
PLATAPORMA
PROBLEMA NG MASA, PROBLEMA NG BANSA
MAHIGIT kalahati ng populasyon ng bansa ay dumaranas ng kahirapan, kagutuman, kulang at kawalan ng trabaho, at kawalan ng pagkakataon para mabuhay nang disente. Ang mga nagtatrabahong mamamayan ay araw-araw na binabayo ng mataas na presyo ng bilihin, mababang pasahod, kakulangan sa murang pabahay, kakulangan sa serbisyong publiko tulad ng edukasyon at kalusugan, mahal na presyo ng batayang serbisyo tulad ng kuryente, tubig at komunikasyon, kontraktwalisasyon at pagsupil sa karapatang mag-unyon. Laganap ang problema ng magsasaka at magbubukid sa kawalan ng lupang masasaka pero maraming lupang nakatiwangwang. Naiipon sa iilang may-ari ang lupain. Usura. Mataas ang presyo ng gamit sa pagsasaka ngunit mababa ang presyo ng mga produktong agrikultural. Kawalan ng matinong plano sa pagpapaunlad sa kanayunan ng bansa. Dumarami ang maralita sa mga lungsod. Nagsisiksikan sa mga delikadong lugar tulad ng tabing-ilog, estero, ilalim ng tulay, tabi ng riles at mga lugar na di para sa tao. Nabaon sa utang ang gubyerno. Halos kalahati ng pambansang badyet ay inilalaan nito na pambayad-utang. Salaminan ng sitwasyon ng bansa ang sitwasyon ng masa. Pero habang ang mayorya ng masang Pilipino ay lugmok sa kahirapan, ang mayayamang negosyante at mga bulok na pulitiko at kanilang pamilya ay nagtatampisaw sa maluhong pamumuhay. Habang ang nakararami ay kulang sa pagkain, ang mga opisyal ng bayan ay binubusog ang sarili, pamilya, kamag-anak, kaibigan at kapartido. Nagpapakabundat sa mamahaling pagkain. Nagliliwaliw sa ibang bansa. Nabubuhay na parang hari at reyna. Kailangan ng pagbabago sa bansa. Kailangan ng mga reporma sa ibat-ibang larangan ng lipunan. Kailangan ng kumilos para iligtas ang bayan sa gahamang negosyante at mga bulok na pulitiko na kumakamkam ng yamang likha ng mga nagtatrabahong mamamayan.
SOLUSYON SA PROBLEMA NG MASA AT BANSA
KAILANGAN ng aktibong pagkilos ng masang Pilipino para iligtas ang bansa sa delubyo ng karalitaan at kawalang pag-asa. Sa loob at labas ng Kongreso, kailangan ang paglahok ng masa. Kailangan din ang representante ng masa sa Senado na makikipaglaban para sa kalutasan ng kagyat at pangmatagalang problema ng masa at bansa.
APAT NA DAPAT na agad na ipaglalaban sa Senado ni JV Bautista:
1. Reporma sa Ekonomiya. Kailangan ng agarang aksyon para makahinga ang masang Pilipino sa pagkakasakal ng matinding kahirapan.
a. Pagbabawas ng buwis. Ibasura ang R-VAT.b. Paglikha ng maraming trabaho para sa wala at kulang ng trabaho. Para di na magabroad ang ating mga manggagawa at paguwi ng mga nangibang-bayan ay tiyak na may mapagkakakitaan sila. Proteksyon sa mga OFW. Gawing kasong kriminal ang paghadlang sa karapatang mag-unyon. Pagpapatigil sa kontraktwalisasyon ng trabaho. Pagpapataas ng minimum na sahod.
c. Pabahay na abot-kaya na direktang hahawakan at pangangasiwaan ng gobyerno at mga samahang maralita, hindi ng pribadong sektor.
d. Demokratisasyon ng pagmamay-ari ng lupaing agrikultural. Para may sakahin ang mga magbubukid na wala o kulang ang lupang sinasaka. Ayuda ng gubyerno sa panggastos sa pagsasaka. At aplikasyon ng modernong teknolohiya na di makakasira sa kalikasan o ekolohiya.
2. Demokratikong Reporma. Pagpapalakas sa demokratikong karapatan ng mamamayan hanggang sa antas barangay.
3. Utang ng gubyerno. Suspindihin ang pagbabayad ng utang--sa interes at prinsipal--at gamitin ang badyet sa pagpapaunlad ng ekonomiya at serbisyo publiko.
4. Repormahin ang sistemang pulitikal at elektoral. Ito’y upang epektibong makalahok ang taumbayan sa usapin ng paggugubyerno at halalan. People’s empowerment hanggang sa antas barangay. Magkakaroon lamang ng makabuluhang pagbabago sa bansa at mahahango sa kahirapan ang masa kung may maitatayong matinong gobyerno ang masang Pilipino.
No comments:
Post a Comment