ANG TOTOONG ISTORYA NG SITIO MALIPAY 3, BARANGAY MOLINO 4, BACOOR, CAVITE
Ang kabuuan ng Molino sa Lungsod ng Bacoor ay nasa ilalim ng iisang Orihinal ng titulo na tinatawag ng Imus Friar Lands, o OCT No. 1002 sa ilalim ng pangalan ng Republika ng Pilipinas. Ang intensyon ng mga Amerikano nang bilhin ng lupang prayle mula sa mga Kastila ay ipamahagi ito sa mga Pilipino sa ilalim ng Friar Lands Act 1904 o ang Batas Bliang 1120.
Sa ilalim ng Act 1120 ang mga lupang gobyerno na ito na tinaguriang friar land ay ipamamahagi ng Land Management Bureau (LMB) sa sinumang may hawak nito (possessor, sinasaka, tinitirhan) sa murang halaga sa pamamagitan ng pag pasa ng filled-up application form at pagbabayad ng halaga ng lupa sa loob ng sampung taon at iisuyuhan sya ng Certificate of Sale. Matapos bayaran ay ililipat na sa nakabili ang titulo sa pamamagitan ng isang Deed of Conveyance na ipadadala ng LMB sa Register of Deeds (RD) upang maisyuhan naman ito ng Transfer Certificate of Title o TCT.
Makikita sa records ng LMB na ang malaking bahagi ng Sitio Malipay ay nasa ilalim ng pangalan ni Petronila Cabrera bilang possessor at aplikante nito sa pamamagitan ng isang Certificate of Sale. Sa kasamaang-palad ay hindi ito nabayaran ni Petronila kung kaya’t hindi na isyu ang TCT makalipas ang sampung taon hanggang nakamatayan na niya ito. Ang kanyang kaisa-isang anak sa pagkadalaga na si Ciriaco Cabrera ay hindi din nahabol ang kanilang karapatan sa lupa. Ito ang katotohanan sa lupang Sitio Malipay 3. Kung kaya’t hanggang sa ngayon ay pag-aari ito ng Republika ng Pilipinas na dapat sana ay nasa proteksyon at pangangalaga ng LMB. Maaari niya itong paupahan sa mga nakatira doon subalit hindi niya ito ginawa.
Anong ginawa ng LMB? Noong 2011 ay nag-isyu ang Kalihim ng DENR na si Sec.Paje ng isang moratorium sa pag poproseso ng lahat ng paglilipat ng titulo at pagbebenta ng mga friar lands na ito upang mabigyang-linaw muna ang napakaraming isyu at sigalot sa mga lupang prayle na ito. Subalit sa halip na maprotektahan ang mga lupang ito, makalipas ang walong taon na ngayon, nagkalat na lamang bigla ang mga titulo o TCT sa ilalim ng pangalan ng mga pribadong kumpanya na inilabas ng RD. Nagkaroon ng mga paghahati at pagsasalin ng lupa mula sa OCT-1002 papunta sa mga pangalan ng conveyee, sa kaso ng sitio malipay 3 at nailipat na ang TCT sa pangalan ni Petronila Cabreira (sic), at hinati pang muli ito at isinalin sa pangalan ng tao o kumpanya, at sa huling salin ay sa pangalan ng mga kumpanyang pag-aari ni VILLAR (e.g. Althorp, Fine properties, Brittany at Calsons).
Matapos matagumpay na maisalin ni Villar ang lupang prayle na may sukat na 45 ektarya, ibinenta nya ang 20 ektarya sa Ayala na syang naging Verdana, at ang natitirang 25 ektarya ngayon ay pinaninirahan ng libo-libong informal settler families (ISF) o tinatawaga nyang squatters, mahigit sa 8,000 noong 2016, na sa ngayon ay mahigit 3,000 na lamang. Unti-unti nyang matagumpay na napalayas ang mga pamilyang nanirahan sa lupaing yaon sa loob ng 30-50 years, sa pamamagitan ng pananakot, pagbabayad at pagpapalayas sa kanila. Ang mga naiwang matibay at matapang na hindi nagpabayad sa Villar ngayon ay ginigipit nya sa pamamagitan ng paghaharang sa kanilang mga dadaanan ng mga security guards upang harangin ng kanilang mga meralco bills hanggang maputulan sila ng kuryente, pinutulan din sila ng source ng tubig, at pati delivery ng tubig ay hinaharang na nya. Natuto silang lumaban kaya sinampahan na sila ng kaso na Recovery of Possession upang sa huli ay makakuha sya ng Court Order of Demolition. Nang dahil naiinip na sa ligal na proseso ng batas sa pagpapalayas sa ISFs, sa pmamagitan ng relokasyon, nagbayad sya sa korte at ngayon ay nakakuha na ng Court order of Injunction upang pwersahan nyang magamit ang Kapulisan upang tulungan syang makapagpasok ng mga backhoe at instrumento ng demolisyon at gibain ang mga tirahan at lalo pang takutin ang mga kawawang mahihirap na kababayang Pilipino.
Kung susuriin ng Office of Solicitor General (OSG) ang lupang Sitio Malipay 3 sa pangalan ni Petronila Cabreira mula sa records ng LMB ay makikita nila na ang lupang ito ay ninakaw ni Villar mula sa gobeyrno at ngayon ay pinalalayas nila ang mga lehitimong possessor ng lupa na mahigit 30-50 years na nanahan duon. Peke ang mga conveyance at binayaran lamang sa RD ang mga TCT ni Villar! Sana ay suriin ito ng OSG at mag sampa ng kasong REVERSAL of Friar Lands
Good day!
ReplyDeleteThis is a great research about Villar's Land Grabbing. Thanks so much for showing us the truth! Ang parents ko po ay isa sa mga nakatira sa Malipay 2 na karugtong ng Malipay 3 na patuloy na ginigipit at inaapi ng mga guwadiya at engineers ni Villar.
Gusto ko pong gamitin ito upang magamit laban sa mga engineers ni Villar. Maari po bang mahingi email nyo? Pwede nyo rin po akong i-email sa defendmalipay@gmail.com.
Great and I have a super provide: What House Renovations Need Council Approval house reno shows
ReplyDelete